Coach DJ

image
TITLE: Coach DJ
GENRE: Fluff

May bagong career si Daniel.

 

‘Sigurado ka bang kaya ko ‘to?’ Tila kinakabahang tanong ni DJ kay Kathryn habang inaayos ng huli ang kanyang mga dadalhin.

‘Ano ka ba? Kayang kaya mo ‘no. Hindi naman nila ibibigay sa’yo yan kung hindi.’

Ngumiti si Dj bago ngumuso. Kath tiptoed and cradled his face with her palms.

‘I’m so proud of you, Bal. Mairaos mo lang ‘to ng maayos today, may premyo ka later.’ She whispered, which made DJ grin.

‘Bakit ngayon mo lang ibinigay ang motivation na ‘yan? Sana kagabi pa!’ Pilyong sabi nito.

‘E baka kasi i-advance mo kaya di ko sinabi agad. Tapos kung mairaos mo ng maayos, baka humirit ka pa uli mamaya. Lugi naman ako, babe!’ Kath winked which made Dj jumped.

‘Putang ina! Excited na ko! Let’s do this.’ Tatalon talon na sabi ni DJ habang papalabas ng kanilang kwarto.

‘That’s my baby!’ and she laughingly followed him.

*********

Bago sumalang si DJ ay dumirecho muna sya sa dressing room ng mga makakasama para magbigay respeto sa mga ito. Hindi rin naman puchu- puchu ang mga bago nyang katrabaho. Bukod dito, ang pansamantala nyang hinalinhan ay hindi rin basta- basta.

‘Hi Daniel!’ Masayang bati ni Sarah (not Carlos) Geronimo sa kapapasok pa lamang sa dressing room nya.

Nahihiyang lumapit si DJ bago bumeso dito.

‘Hindi mo kasama ang mga kids at si Kathryn?’ Tanong nito habang nakaupo sa make- up chair at inaayusan sya ng buhok.

‘Susunod daw po. May inaasikaso pa po kasi dun sa isang restaurant.’ Bakas pa rin ang hiya sa asal ni DJ.

‘Eto naman. Parang ngayon lang nagkita, e diba, nagrehearse na nga tayo ng ilang beses last week?’

‘Nakakastar- struck pa rin po kasi.’

Dahan dahang bumukas ang pinto at maya maya pa ay pumasok na ang isa pang itinuturing nya na ‘Idol’.

‘O, pre.’ Bamboo held out his palm which DJ reluctantly shook. ‘Chill lang tayo, ok. Kinakabahan ka ba?’

Tumango si DJ.

‘Don’t be. Mag- enjoy ka lang.’

‘Coach Sarah, Coach Bamboo and Coach DJ, we’ll be rolling in 10 minutes.’ A plump woman in jeans and ‘The Voice’ shirt announced as she poked her head through the door.

Sabay sabay namang tumango ang tatlo at isa- isa na silang lumabas patungo sa naghihintay na studio.

‘Walangya, Daniel Padilla!’ Robi exclaimed as DJ passed him by along the corridor. ‘I mean, Coach DJ!’

‘Kung wala kang magandang masasabi, manahimik ka na lang, please.’ DJ joked through nerves.

‘Goodluck bro. Mag- enjoy ka lang dun sa stage.’ Seryosong sabi ni Robi bago niyakap ito. ‘So proud of you, bro. So proud. Tandaan mo, pinalitan mo si Ms. Lea. Pressure.’ Dagdag nito.

‘Wow! Salamat sa words of encouragement ha! Tsaka isang season lang ang napag- usapan habang nasa Broadway pa si Ma’am Lea.’

‘O sya, o sya. Break your leg. Este break a leg!’

Muli silang nagyakap bago tumakbo si DJ papunta sa studio kung saan punong puno ito ng audience.

‘DJ, drumstick mo.’ Iniabot ng isang staff ang dalawang patpat kay DJ na pumwesto na sa likod nina Sarah at Bamboo na pawang nakatayo sa harap, mic stands in front of them.

‘Remember, pare.’ Bamboo turned his head to him. ‘Just do your thing.’

Tumango si DJ, saka ngumiti. Itinaas nito ang dalawang braso at paulit ulit na pinagbangga ang dalawang drumsticks. Inilapit nya rin ang bibig sa mic na nakaposisyon malapit sa kanyang drums.
‘I remember when,
I remember, I remember when I lost my mind…’
DJ started which made the crowd cheer.

And he was finally able to smile until their production number ended.

‘Mga Kapamilya! Ang ating Coaches!’ Robi announced as they stood in that stage.

‘Pop Royalty, Sarah Geronimo, legendary rock icon, Bamboo at ang pinakabago nating coach: Father of three, entrepreneur, husband to one of the most beautiful faces in Showbiz industry, Multi- platinum record awardee and OPM ambassador: Daniel Padilla!’

Kung paano nga ba sya napadpad sa The Voice Kids bilang kahalili ni lea Salonga habang may tinatapos ‘tong play sa Broadway, hindi na nya maalala. Ang tanging naalala lang niya ay ang excitement na idinulot ng balitang iyon sa kanilang bunso na suking suki panonood ng The Voice sa cable TV.
‘Tatay, you’re going to sit in that turning chair?’ Chandri exclaimed as they sat for breakfast one Saturday.

‘Yes Chandri.’ It was Kathryn who answered.

‘Then you’re going to press the button and the very cool sound will come and you’ll turn?’

‘Yes, baby.’ Sagot naman ni DJ.

‘It’s so cool!’ And Chandri clapped after. ‘When I grow up, sali din ako The Voice.’

‘You can’t sing.’ DJ Liit snapped at her as the former poured his favorite cereal to his bowl.

‘Yeah, like Nanay. You can’t sing.’ Danilo had to add fuel to the fire.

‘No!’ Iyak ni Chandri. ‘Nanay and I can sing! Diba, nanay, we can sing.’

‘Yes baby, later we will sing while taking a shower.’ Malambing na sabi ni Kathryn. ‘Pagsabihan mo ‘yang mga anak mo.’ She turned sharply to DJ.

And DJ nearly coughed out his coffee.
DJ shook his head as he mentally computes the number of Kids Bamboo and Sarah already recruited under their belt.

‘Tig- tatlo na sila. Ako, isa pa lang. Sabagay nga naman, ako yung pinaka- walang experience dito as a singer.’

Napatigil sya sa pagmumuni- muni nang bigla muling dumilim ang studio. May isa uling bata ang magpapamalas ng kanyang galing. Pamilyar sa tenga ni DJ ang intro ng kakantahin nito. And before the kid could finish her first line, DJ had already pressed his button followed by Bamboo and then Sarah.

‘Hoy tumalikod kayo uli! Akin ‘to!’ Biro nya sa dalawang coach na kasama.
‘How long will I love you,
As long as stars are above you,
And longer if I may…’
The little girl ended the song flawlessly which made the three coaches stand up from their seats, cheering and clapping.

‘Hi babygirl, anong name mo?’ Tanong ni Sarah.

‘Kathryn po.’ The girl shyly answered.

‘Sabi ko sa inyo sa akin ‘yan e.’ Mayabang na sabi ni DJ sa mga kasama habang nakatayo pa rin.

‘How old are you, Kath?’

‘Nine po.’

‘Wag na tayong magpaligoy- ligoy pa. Sa akin ka na Kath! Mamahalin kita! Aalagaan kita.’ Panliligaw ni DJ sa bata. ‘Sa Team DJ, may forever.’

‘Pero Kathryn, wag agad agad. Kase, Forever’s not enough.’ Sarah countered while wagging her index finger, a smug expression on her face.

Halos magiba ang studio sa tawanan ng mga tao. Sa buong araw na Blind Audition kase, iyon na yata ang pinaka- intense na agawan ng tatlong coaches. Hinihintay na lang nila ang banat ni Coach Bamboo.

‘Well, you know what Kathryn, I can’t promise you forever like these guys do. Pero i can assure you, if ever you’ll be in my team, I’ll give everything so that your talent, that massive talent you have will be stretched out in ways unimaginable.’

‘Eto babygirl ha…’ Si DJ muli ang humirit. ‘Nasan si Mommy mo?’

‘Oh, boy!’

‘Patay na!’

Sabay na sabi nina Sarah at Bamboo habang umiiling.

‘Yung nanay na ang liligawan!’ Nagkakatawanan na lamang ang dalawa.

Kathryn pointed to the audience and a woman, must be in her 30’s waved a hand. All smiles.

‘Ate, KathNiel fan ka?’ Panimulang tanong ni DJ.

‘PATAY NA TALAGAAAAAA!!!!!!’ Sigaw ni Sarah.

And everybody in the studio was holding their breath as they wait for the answer. DJ looked crestfallen when kathryn’s mom shook his head.

Bamboo had to raise his arms in victory.

‘Kathryn fan po.’ She said but they weren’t able to catch it.

‘Ha?!’ DJ asked again. ‘Solid Kath?’ He confirms.

And she nodded.

‘Ayaw mo sa akin ate?’ Natatawa na lamang si DJ.

‘Hindi naman sa ganun! Mahal din kita kasi mahal mo si Kath!’

DJ had to do lipreading as the lady spoke.

‘Wait lang ate ha, wag kang aalis dyan. Puntahan kita, mag- usap tayo.’

Frenzy screaming ensued as DJ made his way to the audience.

‘Mahal din naman kita kase mahal mo si Kath.’ Sabi nito matapos itapat ni DJ ang mic dito.

‘Ganito na lang ate, ano ang pwede kong gawin para masigurado kong sa akin mapupunta si Kathryn mo?’

‘Hindi ko alam!’ Natatawang sabi na lang nito.

‘Wait, wait.’ Hawakan mo ‘to.

Iniabot ni DJ ang mic sa ina ng batang si Kathryn bago niya dinukot sa kanyang bulsa ang cellphone na nagv- vibrate.

‘Hello?’ Sagot nito. ‘Ang perfect ng tawag mo Bal!’ And DJ was all smiles as the audience sreamed. ‘Wait lang, may ipapakausap ako sa’yo.’

Kinuhang muli ni DJ ang mic mula sa pinag-abutan before he held out his phone to her.

‘Hello?’ Kathryn’s mom answered, her voice shaking.

Ilang sandali pa ay umiiyak na ito.
*********

‘Madaya ka Daniel! Humanda ka sa susunod na mga araw!’ Banta ni Sarah matapos ang taping nila.

‘Immense talent, that last kid has. Congrats, Pare!’ Bamboo shook his hand and gave him a hug.

‘Group hug!’ At nakisali na rin si Sarah.

‘Ako din, pa- hug!’

Sabi naman ng kapapasok pa lamang na si Kathryn.

DJ pulled her by himself and whispered.

‘Ikaw talaga ang lucky charm ko.’

*********

***AUTHOR’S NOTE***

Yes.
I usually imagine DJ playing the drums while singing Gnarls Barkley’s Crazy. (Pinaypayan ang sarili.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s