Yellow

image

TITLE: And It Was All Yellow Once More
GENRE: Fluff

It wasn’t their first. But as the saying goes, everything feels like the first time.

*********

She had to blink her eyes again and again as she stood at the end of that yellow carpet once more. Her hair fell on her back curtained with that sheer fabric fastened on top of her head by a flower crown made of yellow tulips and white roses. The bouquet on her hand was made of the same flowers, and her dress flow flawlessly down the ground. However, unlike the first where she marched with her parents, standing beside her, looking as dashing as the tall guy waiting for her on the other side was her eldest, that 5 year old kid who looks exactly like the man she’ll be saying ‘I Do’ once again.

Marching in front of her was her bestfriend: Mara who was her maid of honor and behind her was Kathryn’s mama and papa, both beaming from ear to ear. The first to march was their second child who served as their ring bearer and he was charming and cute at the same time as he figured out how he could arrive at the end without getting lost from the aisle. In the end, DJ had to help him take his seat beside his Lola Karla who walked ahead others.

‘I love you Nanay.’ Danilo whispered to his mom who was bending a bit once they arrived at the front of the makeshift altar.

‘I love you too, Danilo.’ She whispered back before she kissed him on his cheek.

‘Tatay, let ChanChan be the baby na lang muna, ha?’ Paalala niya sa amang katatapos lamang sa pagpunas ng kanyang mga luha.

Hindi iyon ang unang beses na ipapangako nila sa harap ng maraming tao at sa Diyos na mamahalin nila ang isa’t isa. Ngunit pakiramdam ni Daniel ay bago ang lahat ng pakiramdam na bumabalot sa pagkatao niya. Hindi pa rin niya napigilan ang sariling maluha habang pinapanood ang asawa na naglalakad, busilak na busilak sa puting traje-de boda na suot suot nito, akay akay ng kanilang panganay.

Napahagalpak siya sa tinuran ni Danilo bago ito yumuko para guluhin ang buhok ng anak.

‘Di maipapangako ni Tatay ‘yan.’ Pagbibiro nya bago nito hinalikan ang bumbunan ni Danilo.

He straightened up before he smiled at his bride who beamed back at him. In that instance, he wanted to weep again. Hinagap ni DJ ang kamay ni Kathryn at hinalikan ito bago niya ito inakay papunta sa harap ng paring mag-iisa muli sa kanila.

*********

‘Bal, mahal…’ DJ started with his vow.

At hindi na nga napigil ni Kathryn ang mapaluha.

‘Alam ko kung gaano ka nainis sa akin dun sa una nating kasal. Kasi nga sinurprise kita. Hindi ka man lang nakapaghanda sa wedding vows mo. Kaya ngayon, eto tayo. Ni-resched pa nga natin diba? Kasi gusto mo, beach wedding. Alam mo ba kung magkano ang binayaran ko dun sa naunang venue?’ Pagbibiro ni DJ na nagpahalakhak sa lahat. ‘Yang gown mo pinapalitan pa natin kasi, di bagay dito sa buhangin at sa dagat yung tela nun diba? At sabi mo, mukha kang baduy. Ano nga ba naman yung di mo isuot yung Vera Wang na in-order mo sa States. Sus, ipa-garage sale na lang natin ‘yun pagbalik natin from honeymoon. O kaya, ipa-customize ko para gawing seat cover nung kotse ko. Hindi naman siguro ako magiging joke kung lace ang seat cover ni Gino diba?’ Dagdag pa nya.

Tawa lang naman ng tawa si Kath.

‘Pero eto, seryoso na.’ He continued with the seriousness which he promised. ‘Wala pa rin akong vows na pinrepare ngayon. Kase ang gusto ko, lahat ng sasabihin ko, lahat ng ipapangako ko sa’yo, manggagaling lamang dito.’ At itinuro nya ang kanang bahagi ng kanyang dibdib. ‘Katulad sa pagbanggit ko sa pangalan mo ngayon. Kathryn. Chandria. Bernardo. Ford. Galing dito.’ At itinuro nyang muli ang kanyang dibdib.

‘Maraming salamat, Kathryn. Dahil pumayag ka muli sa kahibangang ito. Kahit na may mga bagay sa akin na mali. Kahit na may panget akong ugali, wala kang ibang ginawa kundi umintindi. At magpatawad.’

The corner of Kathryn’s eyes glisten against the reflection of the shore behind them as she listened to what her husband were saying.

‘Maraming salamat sa pagiging ina sa dalawang pogi nating anak at sa nag-iisang pagkaganda ganda nating baby. Maraming salamat sa pagiging mapag-arugang asawa. Salamat sa palaging pag-intindi, sa palaging pagpapatawad, sa palaging pagpupuno sa kung ano mang kakulangan ko, sa pagtanggal sa kati sa katawan ko.’ At kumindat sya na lalong nagpahalakhak kay Kathryn. ‘Pasensya na sa mga lapses. Pasensya na kasi minsan, nagkukulang ako. Pasensya rin kung minsan e sumosobra ako. Pasensya na kung minsan ay napapanggigilan kita. Pero hindi mo naman ako masisisi diba? Ang ganda ganda mo kasi.’ And he smirked proudly as if telling everybody that she is his.

‘Kathryn, mahal ko, ang forever baby ko, I promise not to hurt you anymore. English yon ha.’ At tumawa na naman sya, halatang kinakabahan. ‘Kung may nagawa man akong mga pagkakamali before, kung nasaktan man kita ng sinadya o di sindaya, I promise you, sa harap ng lahat ng tao ngayon dito, sa pamilya mo, sa pamilya ko, sa lahat ng kaibigan natin, kay Father, kay Lord, hindi na muling mangyayari yun. Happy happy lang. Basta tatanda tayong magkasama. Magkasama. Tapos masayang masaya. Grow old with you nga diba?’

And with the mere mention of the title of the song, Kathryn wept.

‘I love you. Mahal kita. Hindi sapat lahat ng lenggwahe sa mundo para sabihin ko sa’yo. Kaya paulit ulit, patutunayan ko.’ DJ finally said before he reached out to her, wiping his wife’s cheek with the pad of his thumb.

Maingat naman niyang dinampot ang singsing mula sa pinagkakalagakan nito at nakangiting isinuot ito sa palasingsingan ni Kathryn na kasalukuyan nang may dalawa.

‘Kung kailangang punuin ko ng singsing yang ring finger mo, gagawin ko.’ Bulong niya bago nya hinalikan ang kamay nito.

‘DJ, Daniel (Deyniyel) John…’ Kath started to which he cringed. ‘May inihanda akong wedding vows para dito e. Pero mukhang nakalimutan ko na rin. It-try kong alalahanin yung iba.’ She smiled nervously. ‘Sino nga bang mag-aakalang aabot pa tayo sa ganito diba? Parang 6 years ago lang, nakikipaglaban pa tayo sa lahat. 4 years ago naman, inaayos natin ang mga dapat ayusin na talagang inakala ko, wala nang patutunguhan.’ She stopped, sighed and then smiled. ‘3 years ago naman, hindi ko na maintindihan kung paano natin nalagpasan yon.’ Bumuntong hininga sya. ‘Kaya nung inalok mo ako uli ng kasal, hindi na ako nag-dalawang isip pa. Papabebe pa ba ako? E andami na nating pinagdaanan na magkasama diba? Tatlo na nga ang anak natin e. Jusko Daniel, tama na muna ha?’ And she laughed, making all the people present laugh too.

‘In times when I felt cold, you gave me warmth. When nights felt so dark, you were there to hold me. I can’t thank you enough for making me the woman that I am today. Kalahati ng pagkatao ko ngayon na nakaharap sa’yo, ikaw ang sanhi nito. Etong buong puso ko, tumitibok para sa’yo. Ang buong buhay ko, iaalay para sa inyo. I’ve always been the spoiled one. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam kung paano yung iisipin ko muna kayo. Bago ako. Lahat ng first ko, ikaw. Ikaw lahat ‘yon. At thankful ako kasi ikaw. Kase kung hindi ikaw, ayoko nang isipin.’ She shook his head as DJ smiled.

‘Thank you for being always there for me. For promising me everything. For giving me everything. May bago nga palang collection ang Hermes. Nakita ko kahapon online.’ She winked.

Napahalakhak naman si DJ sa narinig.

‘Thank you for being a great husband. The best father, thank you for being my bestfriend. Thank you for being a brother whenever I badly need one. Thank you for making me feel so secured. Salamat sa pagpapaalala sa akin araw araw na maganda ako kahit kagigising pa lang natin. Kahit hindi pa ako naliligo. Kahit katatapos ko lamang kumain ng durian nung ipinagbubuntis ko si ChanChan. Alam ko diring diri ka noon sa amoy at buwisit na buwisit ka dahil gusto ko, sa Davao pa talaga manggagaling ang Durian ko. At dahil ayaw mong sumama ang loob ko, kung sino sino na ang sinugo mo. Salamat DJ, salamat mahal ko.’

‘I promise to love you more. Oo, marami pa akong maibibigay. I promise to be more understanding. Pero sana last na yung.. Alam mo na.. Kung from 1-10 at ang rating mo sa pagla-loving loving natin is 8, ipapangako ko, gagawin din nating 10 yan.’ She blushed. ‘I’m rambling now, wala na sa katinuan ‘tong mga sinasabi ko. Ikaw lang ang nakakapagpadama sa akin ng ganito. Kahit mag-asawa na tayo, at ikinakasal pa uli tayo ngayon, feeling ko, first time pa rin e.’

Muling hinalikan ni DJ ang kamay ni Kathryn. He even mouthed ‘I love you.’ after.

‘You have been my bestfriend, mentor, playmate, confidant, and my greatest challenge. But most importantly, you are the man whom I love, and you make me happier than I could ever imagine, and more loved than I ever thought possible… You have made me a better person, and I promise to be the best asawa for you and nanay to our three kids. If ever I get the chance to marry you again, I will. Ikaw at ikaw pa rin. Mahal na mahal kita. Handa akong dalhin ang epelyido mo paulit-ulit. Kathryn Bernardo- Ford Ford kahit dagdagan mo pa ng isa. Or dalawa. Kathryn Bernardo- Ford Ford Ford Ford.’ She ended as a little squeal escaped her lips.

Kathryn took the ring and slipped it to his long finger. ‘Be gentle later ha.’ She whispered as she did so.

DJ could just feel his cheeks redden.

Matapos sabihing sila na muli sina Mr. And Mrs. Ford at binigyan na sila ng layang halikan ang isa’t isa, ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si DJ.

Hinapit na nya agad ang batok ng asawa at hinalikan ito ng buong pagsuyo at pagmamahal.

‘Mas masarap ngayon.’ He said to her slightly parted mouth. ‘Pakasal nga uli tayo bukas.’ Dagdag pa nya bago muli nya hinalikan ang asawa at ina ng tatlong anak nya.

***Behind every happy couple lies two people who fought hard to overcome all obstacles and interference to be that way.

Why?

…Because it’s what they wanted.***

***********

3 thoughts on “Yellow

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s