Disciplinary Action

image

TITLE: Disciplinary Action
GENRE: Fluff (Bernardo-Ford kids involved. Yay!)

Danilo asked a question…

**********

‘Nanay, what’s disgrasyada?’ The 7-year old boy asked his mom as they sat in front of the TV after their dinner.

‘San mo narinig ‘yan?’ Kathryn asked quite alarmed, hoping that their eldest heard it from the afternoon TV soaps their helpers are watching during their idle time.

‘I heard it from JunMar’s yaya kanina. She said that you’re a disgrasyada. I know what babaero means but I don’t know disgrasyada.’

‘Babaero?’

‘She said Tatay is a babaero. But of course I said it’s not true. Tatay’s only girl is you. And ChanChan.’

Kathryn smiled amidst the initial panic which she felt upon the bringing up of the issue.

‘Tapos na kaming maghugas ng mga plato!’ DJ jovially said as he came out of the kitchen, their second and third kid in both of his arms.

Hagikgik lamang ng hagikgik si Chandri habang papalapit sila sa kinaroroonan ng kanyang ina at ng kanyang kuya.

‘Know what Nanay, let’s just forget it. I know, it’s bad. Hindi ko na lang papansinin yung yaya ni JunMar.’

‘Anong bad ‘yan?’ Tanong naman ni Daniel as he, Chandri and DJ Liit settled beside them.

‘Bad? Joker is bad.’ Sabi ni DJ Liit na ’tila namana yata kay Daniel ang pagkahilig sa Justice League. ‘Mr. Penguin is bad too. And Riddler.’

‘Away ka nila school, Kuya? Punta ako bukas dun, away ko din sila.’ Bibong bibo naman ang magtatatlong taon na si Chandri na nagpatawa sa buong pamilya.

********

Ipinagtataka pa rin ni DJ ang pagiging tahimik ni Kathryn matapos nitong mapatulog ang mga bata. Himbing na himbing na si Chandri sa kanilang higaan habang nakatabi dito si Kathryn at pinagmamasdan ito.

‘Ano bang sinabi ni Danilo kanina?’ Mabait na tanong ni DJ sa asawa. Lumapit sya kay Kathryn at naupo ito sa sahig saka hinagap ang kamay nito.

‘Danilo asked me what disgrasyada means.’ Malungkot na sagot nito.

‘San naman nya narinig ‘yon? Sinabi na kay Malen na wag manonood ng mga teleserye pag andyan ang mg—…’

‘He heard it from JunMar’s yaya.’

‘Ang pangit naman ng pangalan nung bata. Pft.. JunMar.’ DJ snorted.

‘DJ.’

‘E ano ba naman kung narinig yon ni Danilo dun sa yaya nung bata?’

‘Ako daw kasi yung disgrasyada.’

DJ’s facial expression changed instantly upon hearing it. For never in his entire life would he think that someone will call his wife such.

‘Chismosa yung yaya. Sure na.’ He said, trying to lighten up her mood.

Bumuntong hininga na lamang si Kathryn.

‘Halika nga dito.’ Marahang hinila ni DJ si Kathryn pababa sa sahig at iniupo ito sa kandungan nya. ‘Hindi naman yun totoo diba?’ Malambing na sabi ni Daniel. ‘Ibang iba ang ibig sabihin ng salitang yon sa kung ano mang nangyari noon. Hindi kita iniwanan. Pinakasalan kita. At pinakasalan kita kasi mahal kita.’

‘Wala naman yun sa akin kahit anong itawag sa akin e. Ang ikinatatakot ko lang, baka kung anong maging epekto kay Danilo.’

‘Ako na lang ang kakausap kay Danilo bukas. Sanay na sanay ako sa mga ganyan nung bata pa ako.’ Ngumiti ito at hinalikan ang balikat ni Kathryn. ‘Matulog na tayo ha?’

Tumango si Kathryn at hinalikan ang labi ng asawa.

‘Thank you. I love you.’

Matamis na ngiti muna ang iginanti ni DJ bago rin ito humalik kay Kath.

‘Mahal na mahal din kita.’

‘Let’s sleep na.’

*********

‘DJ.’ Nagmamadali sa pagbaba ng hagdan si Kathryn, hawak hawak ang kanyang cellphone.

‘O?’ Tanong nito bago tumayo mula sa sahig na kinauupuan. ‘Wait lang Chandri anak ha?’

‘Tinext ako ng adviser ni Danilo. Pinapapunta tayo sa school.’

‘Ha? Bakit daw?’

‘Hindi ko alam.’ Bakas ang panic sa mukha ni Kathryn. ‘Eto na nga ba ang sinasabi ko.’ Napahawak na lang sya sa noo habang palakad-lakad. ‘Pupunta muna ako ha? Dito muna kayo ni ChanChan.’

‘No. Sasama ako.’

‘Pero walang madadatnan si DJ Liit dito. Pauwi na rin sya.’

‘Daanan na lang natin. Isama na natin si Chandri. Tara na. Manang Linda!’ Tawag ni DJ sa isa sa kanilang mga kasambahay. ‘Manang!’ Ulit niya.

‘Ano yun, Deejee?’

‘Pakihandaan po ng bote at gatas si Chandri. May pupuntahan po kami. Pati yung—‘

Tila balisang balisa pa rin si Kathryn na muling umakyat pabalik sa kanilang kwarto.

‘Basta, bahala ka na Manang. Within 15 minutes, aalis na kami.’ At binuhat na nya ang bunso mula sa pagkakasalampak nito sa sahig.

************

‘ChanChan, DJ Liit, dito muna kayo kay Tatay ha? Puntahan lang ni nanay si Kuya.’ Bilin ni Kath sa kanilang mag-aama.

‘Mag-park lang ako Bal, tas sundan ka namin sa loob.’

Tumango naman si Kathryn bago bumaba sa sasakyan.

Halos patakbong tinahak ni Kathryn ang corridors papunta sa opisina ng Guidance Counselor ng eskwelahan. Tapos na ang klase ng mga elementary students at may mangilan-ngilan nang high school students ang nakatambay sa ilang hallway doon.

‘Diba sya yung nasa cover ng FHM nung August?’ Bulong ng isang estudyanteng lalaki sa mga kasama.

‘Oo brad. Sya nga. Sya yung Kathryn Bernardo diba? Yung asawa ni Daniel Padilla. Idol na idol yan sila ng ate ko dati. Andaming magazines ni ate na andun sila. Ang ganda nya.’

‘Yung anak nya na isa, Grade 3 e. Section 1.’

‘Talaga?’

‘Oo. Crush na crush kaya yun nung iba nating classmates na babae. Ang pogi daw kasi kahit Grade 3 pa lang.’

‘Grabe naman!’

‘Accelerated pa nga yun e. 7 years old lang kasi yun tapos Grade 3 na.’

‘Wow!’

Maya maya pa ay isa namang matangkad na lalaking naka-shades na may buhat buhat na batang babae at batang lalaki ang dumaan sa harap nila.

‘Pare! Si Daniel Padilla.’

‘Tatlo na anak nila?’

‘At medyo malalaki na!’

‘Ilang taon ba nagbuntis si Kathryn?’

‘Nabasa ko dun sa isang magazine ni ate, 18.’

‘Wow. Kasabay nilang magmamature ang mga anak nila. Cool…’

**********

Pagpasok ni Kathryn sa Guidance Office ay agad nyang nakita ang anak na nakaupo sa bench sa isang side. Nakatungo ito at nanlilimahid ang puting polo. Katabi nya ang isa pang batang mas malaki sa kanya. Nakatungo rin habang kuyom ang mga kamao sa ibabaw ng binti. Sa harap ng Guidance Counselor ay isang lalaking nasa early 40’s ang nakaupo. Naka-salamin ito at naka- longsleeves na may kurbata.

Gustong gusto agad nyang puntahan ang panganay at itanong kung anong nangyari ngunit minabuti nyang dumirecho muna sa Adviser ni Danilo na nakatayo sa katabi ng Guidance Counselor.

‘Ma’am?’ Magalang nyang tawag bago tumungo.

‘Upo ho kayo, Ms. Bernardo.’

‘Mrs. Ford po.’ Pagtatama nya.

She took a seat opposite the man which she thinks is the parent of the kid sitting next to Danilo.

‘Misis, hindi ko na ho pahahabain ang diskusyon natin.’ Derechahang sabi ng matandang naka- doble vista.

‘Yang anak mo, inaway ang anak ko. Binato ng backpack.’ Sabat ng lalaki.

‘Nanay, he provoked me.’ Depensa ni Danilo.

‘Ssshhh…’ Kath put a finger on top of her lips to silence her child.

‘Sa pagtatanong nga ho namin kanina, yun din ang sabi nya. Tinawag ka daw ng anak nitong si Mr. Garcia na excuse me for the word, puta.’

‘My nanay is not a whore!’

‘Anong hindi? Diba sya yung nasa magazine na panglalaki? Diba Papa, sya yun? Nakita ko sa ilalim ng bed mo. Sya yun diba? Papa?’

Nag-igting ang bagang ni Kathryn sa narinig. Tumingin siya sa kanyang likuran at dahan dahang bumukas ang pintuan na nagluwal sa kanyang mag-aama.

‘Danilo?’ Tawag ni DJ sa anak na agad tumakbo papalapit sa kanya.

‘Tatay, that kid provoked me. I don’t even know him. He called Nanay a whore. Nanay is not a whore.’ Iyak nito habang yakap yakap ang binti ng ama.

‘E bakit sya nandun sa magazine? Tapos nakahubad? Papa, sabihin mo sa kanila. Sya yung nakahubad dun sa magazine diba?’

‘Jacob, enough.’ Suway ng lalaki.

‘E gago ka pala e!’ Tila sumabog na si Daniel sa narinig. ‘Bakit mo pinapakitaan ng ganon yang anak mo?’

‘Hindi pinakita yun ni Papa. Nakita ko lang sa kwarto nya.’ The kid named Jacob defended.

‘Pinagnanasaan mo pa ang asawa ko a! Ano? Gusto mo, suntukan na lang?’ Halos hablutin na ni DJ ang lalaking kaharap ni Kathryn ngunit agad naman syang napigilan.

‘DJ, tama na. Wag ka nang makisali sa away bata.’

‘Away bata? Pinagnasaan ka ng hayop na yan.’

‘Bal, language please. Naririnig ng mga bata.’ Pilit na pinapakalma ni Kathryn ang sarili at si DJ.

‘Binastos ka ng mag-amang yan e. Syempre ipagtatanggol ka namin.’

‘Stop na. Please. Labas muna kayo. Kausapin ko lang yung Guidance Counselor tungkol kay Danilo.’

Matatalim pa rin ang mga tingin ni DJ sa ama ng batang nakaaway ng anak. Tila gusto talagang manghamon nito ng suntukan sa labas ng eskwelahan kung maaari.

Pero wala na rin siyang ibang nagawa kundi lumabas kasama sina Chandri at DJ Liit.

**********

Their ride to home was very quiet. Nobody dared to talk. They were expecting their youngest or their second child to lighten up the atmosphere but both were already sleeping on the backseat.

‘Nanay, Tatay, I’m so sorry.’ Danilo apologized once he’s inside his room and his parents followed.

‘Danilo, sabi ko naman sa’yo, joke lang yung batuhin mo ang mang-iinsulto kay Nanay diba?’ Seryosong sabi ni DJ.

‘So ikaw ang nagturo kay Danilo na makipag-away?’

‘Hoy ha. At least backpack lang ang ibinato nya. Armchair pa nga ang sinuggest ko e.’

‘DJ, you’re not helping.’

‘Ininsulto ka nung bata, Bal. Pinagnanasaan ka pa nung tatay.’

‘Diba, ikaw na rin ang may sabi last week na hindi naman totoo. Kaya bakit tayo magpapaapekto diba?’

‘Hindi ka nga puta. Pero yung paglalaway sa’yo ng hayup na yon, totoo Bal! Muntik ko nang dukutin ang mata nya kanina.’

‘DJ.’ Suway na naman ni Kathryn. ‘Lumabas ka nga muna. Let me talk to Danilo.’

‘No. Kami muna ang mag-uusap. Lalaki sa lalaki. Ikaw muna ang lumabas.’

Kathryn opened her mouth to argue but DJ was already pushing her out of the door. He closed it and locked it after.

‘Tatay, I’m sorry. It will not happen again. I promise.’ Danilo, sensing trouble apologized hastily.

But to his surprise, his Tatay crouched in front of him and raised a palm in the air.

‘High five brotha! Good job.’ And DJ smirked.

Danilo grinned back. And DJ could see his 10 year-old self right in front of him again.

***********

A/N

I really had fun writing this! ❤️

2 thoughts on “Disciplinary Action

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s