Your Kingdom Come

image

TITLE: Your Kingdom Come
GENRE: Sooper Fluff!

May nag-bonding.

*********

Nagmamadaling pumasok sa kitchen ng kanilang restaurant si DJ after receiving his wife’s phonecall from where she was. Apparently, it was DJ Liit’s schedule for check up and Danilo’s pictorial for the kids apparel he was endorsing is about to finish.

‘Chef Leo, ikaw muna ang in charge dito ha.’ Bilin nya sa kanyang head chef. ‘Kelangan ko lang umuwi agad. Walang kasama si bunso.’

‘Sige ho Boss. Ako na bahala.’ Said Leo, doing a little salute.

‘Basta if there’s a problem, pakitawagan na lang ako sa phone. Pag di mo ko ma-reach, sa bahay. Wag na wag mong aabalahin si Kath ha?’ Mahigpit ngunit mabait nyang sabi.

The chef named Leo smiled as Daniel finally waved goodbye.

‘Eto nga malapit na o.’ DJ said through speaker phone as he drives home. Kinukulit na naman sya ng asawa. ‘Bakit ba kasi di mo muna isinama si Chandrina nang hindi ako ang nginangarag mo pauwi?’

‘Natutulog sya kanina. Ayaw ko namang gisingin. Tapos na si Danilo sa photoshoot nya. Papunta na kami nina DJ Liit ngayon sa doctor nya.’ She said in hush hush voice as she looked at the 5 year old kid who had his head leaning on her chest, arms around her waist. ‘Sinusumpong na naman kasi sya. Gusto parating nakadikit sa akin.’

‘Naku, naku. Di pwede yan. Dapat pag-uwi nyo, ako naman ang nakadikit sayo.’ DJ lightly joked as he honked his horn, signaling the one in charge to open the gates of their mansion. ‘Andito na ko bahay. Binilihan ko si Chandrina nung favorite nyang donuts.’

‘Sige Babe. Malapit na rin kami sa hospital. Ikaw na muna bahala ha?’

‘Ok, bye. I love you.’

‘Love you too.’

Kakatapos pa lamang ibaba ni DJ ang kanyang telepono at hindi pa man sya nakakalabas ng kanyang kotse ay muli na namang nag-ring ito.

‘Sir Deeji.’

‘O Malen.’

‘Sir Deeji malayo pa po ba kayo? Si Chandre po kasi.’

‘Anong nangyari kay Chandrina?’ Nag-aalalang tanong ni DJ.

Ngunit bago pa man nakasagot ang kausap ay isang malakas na tunog ng tila isang nabasag na salamin ang narinig niya.

‘Chandre! Bebe! Wag ang teebe!’

Halos takbuhin ni DJ ang kanilang main door para lamang makapasok agad sa kanilang bahay. Halos manlumo sya nang nakitang parang dinaanan ng ipo-ipo ang kanilang living room.

Nagkalat ang mga couch pillows, mga sirang cereal boxes with its contents spilled everywhere, at ang PS4 nilang mag-aama na nasa baba ng TV, parehas na wasak.

DJ had to shake his head just to be sure of what he was seeing.

‘Anong nangyari dito?’

‘Sir Deeje.’ Mangiyak ngiyak na sabi ni Malen.

He turned his head and right there, on the very corner was their youngest, tiny arms on her chest, glaring at him.

‘Ano na namang ginawa mo, Chandrina?’ Hindi naman sumigaw si DJ. Pero bakas sa tono ng kanyang boses ang disappointment na may halong panghihinayang dahil sa 95 inches na LED TV na nasira.

However, the little girl must’ve taken it out of context. In an instant, big, fat tears started to pour out from her black, button eyes.

‘IWAN AKO NANAY!’ The kid wailed.

‘Baka po nabigla, Sir Deeji. Hindi po kasi nakita si Ati Kat nung nagising.’ Their 23 year old helper explained.

‘NANAY!’ Chandri kept on crying, huge sobs in between. ‘BAKIT MO AKO IWAN? NANAY!’

‘Hay naku naman.’ DJ sighed as he scratched his head.

Hindi pa nya na-experience ang ganoong sitwasyon. Nasanay na kasi sya (at siguro si Chandri na rin) na si Kathryn ang lagi nitong kasa- kasama. Ni hindi pa ito gumising na hindi ang nanay nya ang nakikita nya.

‘Chandri, baby.’ He crouches in front of the 3 yr old and grabs her shoulder.

‘Ayaw ko sa’yo.’ Ihit na iyak nito.

‘Ha? Bakit naman ayaw mo kay Tatay?’ Pinipigilan ni DJ ang sarili na mapangiti dahil cute na cute sya sa itsura ng kanyang unica hija. Kamukhang kamukha ito ng kanyang nanay at kuhang kuha din nito ang tampururot face nito. Kaya naman nagtataka si DJ kung bakit maraming nagsasabing sa kanya kahalintulad ang kanilang bunso.

‘Di mo.. Di mo love Chandi. Kuya lang love mo.’ She sobbed.

Nalungkot si DJ sa narinig. Hindi nya akalaing kahit bata pa lamang sa ganoong gulang ay kaya nang mag-isip ng ganun. Aminado naman syang hindi talaga sila nagbo-bonding ni Chandri at laging si Danilo at DJ Liit ang karay-karay nya sa mga lakad niya pero naisip lang nya na baka mas gusto ng bunso nila na ang nanay niya ang kasa-kasama nya.

‘Ayaw mo ko sama lagi.’ The kid wept.

‘That’s not true baby. Sama ka ngayon tatay, ha? San mo gusto pumunta?’

‘E- Elsa.’ Chandri stutters.

‘Ha?’

‘Elsa.’ She repeats.

‘Sige. Bihis ka ha? Hintay ka dito ni Tatay. Punta tayo kay Elsa.’ Tumayo si DJ mula sa pagkakayuko at iniunat ang kanyang katawan. ‘Malen.’ Tawag nya.

‘Kuya Deeji.’ Takbo ng tinawag habang nakasunod naman dito ang dalawa pang kasambahay na may mga dalang gamit pang-linis.

‘Pakibihisan muna si Chandrina. Tapos ibaba mo na dito pagkatapos.’

‘Aalis po kayo Kuya?’

‘Mamamasyal lang kami. Pati yung mga usual na dinadala para kay Chandri iayos mo na rin ha?’

‘Opo kuya.’

‘Bebe, come. Bihis ka daw. Pasyal kayo papa mo.’ Inabot ni Malen ang kamay ng pinakabatang Ford at inakay na ito paakyat.

‘Pakitawag si Mang Peter. Patulong kayo dyan sa TV. Lagay nyo na lang dun sa bodega.’ DJ turned to their helpers who were already busy cleaning the mess in their receiving area.

Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa at muling tinawagan ang asawa.

‘Babe.’ Sagot ni Kathryn sa kabilang linya.

‘Yung anak mo binasag ang TV.’ Bungad ni DJ.

‘Ha? Baka naman sinumpong lang.’

‘Ang gastos naman ng sumpong nya.’ Buntong hininga nya. ‘Labas muna kami bal ha.’

‘San kayo pupunta?’

‘Bibili ng TV.’

‘Bal.’

‘Dadalhin ko sya kay Elsa. Pupunta kami sa kaharian ni Elsa. Paano ba pumunta don?’

Kath had to mentally slap herself.

‘Oh my God! I completely forgot! Si Elsa nga pala.’

‘So may schedule talaga ngayon si Chandri na makipagkita kay Elsa?’

‘I signed her up for a meet and greet with Ana and Elsa few months ago. How could I forget about it.’

Ramdam ni Daniel ang frustration ng asawa. Masinop ito sa schedule. Kahit kaliit liitang bagay ay nilalagay nito sa planner or sa calendar nito sa phone. One time, she nearly fired her secretary matapos nitong hindi maipaalala sa kanya na may birthday party na dapat attend-an ang magkakapatid na Ford.

‘Bal, okay na. Ako na ang magdadala kay Chandri dun ha. Basta alagaan mo dyan yung dalawang pogi. Ako ang in charge kay kulit ngayon.’

Tumango si Kathryn kahit hindi sya nakikita ng asawa.

‘Basta after nito, uwi kami agad. Sorry babe ha?’

‘Ano ba naman yan? Sige na. Saang mall ba ‘yon?’

‘Sa Glorietta.’

‘Ang daming tao dun a.’ Kamot ng ulo si DJ. ‘Isama ko na lang siguro si Kuya Robert. Sana wala syang ginagawa ngayon.’

‘Si Lelay and Magui, baka gusto nila.’

‘Jusko naman. Mga dalaga na yung mga yun Kath.’ Natatawang sabi ni DJ. ‘Basta ako nang bahala dito. Ok?’

‘Ok.’

‘Orayt.’

‘Thank you.’

‘I love you.’

‘I love you too.’

‘Ingat pauwi mamaya ha?’

‘Kayo rin ni Chanchan.’

‘I love you uli.’

‘Mhm-hm..’

‘May premyo ako dapat mamaya ha?’

‘Tanong ko muna si Chandri kung natuwa sya. Baka awayin mo na naman uli e.’

‘Bati kami ni Chandrina ngayon.’

‘Stop calling her Chandrina!’ Kath hissed.

‘Ang lakas maka-kontrabida diba, Chandria?’

‘Tumigil ka na Danilo!’

‘Nanay?’

‘No. Not you, baby. Ang tatay mo.’

Tawa naman ng tawa si DJ sa kabilang linya before he hung up.

********

‘At sa Star Balita, prinsesa nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo- Ford, nakipag meet and greet sa Reyna at Prinsesa ng Arendelle. May report si MJ Felipe.’

***Pinagkaguluhan ng kids at mommies ang Royal Sisters of Arendelle na sina Queen Elsa at Princess Anna na nakihalubilo sa kanilang mga Pinoy fans. Pero tila pinagkaguluhan din ng lahat ang cute na cute at napakabibong si Chandri Bernardo- Ford. Ang pinakabata sa magkakapatid na Bernardo- Ford na anak ng mag-asawang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Clip of Chandri on stage, being asked by the host before the meet and greet starts.

‘Baby, what’s your name?’

‘My name is Chandita Tenda Benando- Fod. I am 3 yiesh old.’

‘Ano daw?’ Nakatawang tanong ng host sa audience. Pakiulit nga baby?’

‘My name is Chandita Tenda Benando- Fod. I am 3 yiesh old.’

‘Di ko talaga maintindihan.’ Iling na naman ng host.

‘Baby, who’s with you today?’

‘My Tatay.’

Tatawa tawa naman si Daniel sa may bandang likuran, katabi si Robert.

‘What’s your Tatay’s name baby?’

‘My tatay is Daniyen Fod. My nanay is Kathyn Benando- Fod. My kuya is Danino and Kuya DJ Lit. My lola is..’

HAHAHAHAHAHAHA!

Tuwang tuwa ang audience sa kadaldalan ni Chandri.

‘Bibong bibo ang bunso a.’ MJ commented to DJ after the event. Buhat buhat nito si Chandri na mahimbing nang natutulog.

‘Mana sa nanay.’ DJ grinned.

‘Pero mas parang ikaw e. Kamukha ni Kath pero mas parang ikaw talaga.’

‘Alam mo MJ, ang dami talagang nagsasabi. Hindi ko na rin alam.’

‘Mas evident ngayon kasi kayo ang magkasama. Asan si Nanay Kath?’

‘With the two boys naman. Ok na rin kasi at least nakapag-bonding kami nitong si Chanchan.’

‘Yung panganay, pa-model model na.’

‘Oo, di mahindian si Ninong Ben e.’ Iling ni DJ.

‘Ung sumunod? Walang balak? Etong cute na cute na ‘to, kahit commercial ba e makikita man lang namin?’

‘Mahiyain si Liit e. Feeling ko, yun talaga walang balak mag-artista, si Danilo, yun talaga ang nasa tindig pa lang diba? Eto, masyado pang maliit. Dumedede pa nga ‘to. Hindi pa. Hindi pa.’ And he smiled with his usual smile.

********

Dahan dahang pumasok si Kath sa kwarto ni Chandri para i-kiss ito ng goodnight matapos naman nyang maihatid ang kanilang dalawang boys.

As the light spread into the tiny room, a smile also crept to her lips upon seeing DJ curled on Chandri’s pink little bed, the girl sprawled fast asleep on top of him.

Marahan nyang kinuha ang cellphone sa kanyang bag before she clicked away.
bernardokath
CK x DJ #BernardoFord

******

A/N

Expect more of Chandri! She’ll be back. 😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s