1st GiveAway!

1ST GIVEAWAY!

Simplehan muna natin…

1. DM your desired one-shot plot to @yancnishi (Twitter)
2. Anyone (even non PH residents) can join as long as you have Twitter account.
3. Will end on March 18.
4. 2 winners will be announced on March 19.
5. Prize will be one ficlet/oneshot (EACH) about KathNiel. You’ll call the shots. Genre. Plot. Etc. It will be posted on yancnishi.com by March 26 (Kath’s Bday) under the ‘Ficlet’ category.
6. Winner will be announced on my Twitter acct @yancnishi

Kataware Doki

image

Part of Kimi No Na Wa’s beauty are the songs.

Even if the words are in Japanese, it’s like every lyric speaks to you. It’s as if the melody is taking you to where Taki and Mitsuha are, our heartbeats getting in synched with theirs. To those who can’t move on from Taki and Mitsuha’s story or Your Name in general, I created a Spotify playlist. All of the songs in the movie are there. And they even have English versions that is awesome all the same.

Radwimp’s Awesomeness

 

Coach DJ

image
TITLE: Coach DJ
GENRE: Fluff

May bagong career si Daniel.

 

‘Sigurado ka bang kaya ko ‘to?’ Tila kinakabahang tanong ni DJ kay Kathryn habang inaayos ng huli ang kanyang mga dadalhin.

‘Ano ka ba? Kayang kaya mo ‘no. Hindi naman nila ibibigay sa’yo yan kung hindi.’

Ngumiti si Dj bago ngumuso. Kath tiptoed and cradled his face with her palms.

‘I’m so proud of you, Bal. Mairaos mo lang ‘to ng maayos today, may premyo ka later.’ She whispered, which made DJ grin.

‘Bakit ngayon mo lang ibinigay ang motivation na ‘yan? Sana kagabi pa!’ Pilyong sabi nito.

‘E baka kasi i-advance mo kaya di ko sinabi agad. Tapos kung mairaos mo ng maayos, baka humirit ka pa uli mamaya. Lugi naman ako, babe!’ Kath winked which made Dj jumped.

‘Putang ina! Excited na ko! Let’s do this.’ Tatalon talon na sabi ni DJ habang papalabas ng kanilang kwarto.

‘That’s my baby!’ and she laughingly followed him.

*********

Bago sumalang si DJ ay dumirecho muna sya sa dressing room ng mga makakasama para magbigay respeto sa mga ito. Hindi rin naman puchu- puchu ang mga bago nyang katrabaho. Bukod dito, ang pansamantala nyang hinalinhan ay hindi rin basta- basta.

‘Hi Daniel!’ Masayang bati ni Sarah (not Carlos) Geronimo sa kapapasok pa lamang sa dressing room nya.

Nahihiyang lumapit si DJ bago bumeso dito.

‘Hindi mo kasama ang mga kids at si Kathryn?’ Tanong nito habang nakaupo sa make- up chair at inaayusan sya ng buhok.

‘Susunod daw po. May inaasikaso pa po kasi dun sa isang restaurant.’ Bakas pa rin ang hiya sa asal ni DJ.

‘Eto naman. Parang ngayon lang nagkita, e diba, nagrehearse na nga tayo ng ilang beses last week?’

‘Nakakastar- struck pa rin po kasi.’

Dahan dahang bumukas ang pinto at maya maya pa ay pumasok na ang isa pang itinuturing nya na ‘Idol’.

‘O, pre.’ Bamboo held out his palm which DJ reluctantly shook. ‘Chill lang tayo, ok. Kinakabahan ka ba?’

Tumango si DJ.

‘Don’t be. Mag- enjoy ka lang.’

‘Coach Sarah, Coach Bamboo and Coach DJ, we’ll be rolling in 10 minutes.’ A plump woman in jeans and ‘The Voice’ shirt announced as she poked her head through the door.

Sabay sabay namang tumango ang tatlo at isa- isa na silang lumabas patungo sa naghihintay na studio.

‘Walangya, Daniel Padilla!’ Robi exclaimed as DJ passed him by along the corridor. ‘I mean, Coach DJ!’

‘Kung wala kang magandang masasabi, manahimik ka na lang, please.’ DJ joked through nerves.

‘Goodluck bro. Mag- enjoy ka lang dun sa stage.’ Seryosong sabi ni Robi bago niyakap ito. ‘So proud of you, bro. So proud. Tandaan mo, pinalitan mo si Ms. Lea. Pressure.’ Dagdag nito.

‘Wow! Salamat sa words of encouragement ha! Tsaka isang season lang ang napag- usapan habang nasa Broadway pa si Ma’am Lea.’

‘O sya, o sya. Break your leg. Este break a leg!’

Muli silang nagyakap bago tumakbo si DJ papunta sa studio kung saan punong puno ito ng audience.

‘DJ, drumstick mo.’ Iniabot ng isang staff ang dalawang patpat kay DJ na pumwesto na sa likod nina Sarah at Bamboo na pawang nakatayo sa harap, mic stands in front of them.

‘Remember, pare.’ Bamboo turned his head to him. ‘Just do your thing.’

Tumango si DJ, saka ngumiti. Itinaas nito ang dalawang braso at paulit ulit na pinagbangga ang dalawang drumsticks. Inilapit nya rin ang bibig sa mic na nakaposisyon malapit sa kanyang drums.
‘I remember when,
I remember, I remember when I lost my mind…’
DJ started which made the crowd cheer.

And he was finally able to smile until their production number ended.

‘Mga Kapamilya! Ang ating Coaches!’ Robi announced as they stood in that stage.

‘Pop Royalty, Sarah Geronimo, legendary rock icon, Bamboo at ang pinakabago nating coach: Father of three, entrepreneur, husband to one of the most beautiful faces in Showbiz industry, Multi- platinum record awardee and OPM ambassador: Daniel Padilla!’

Kung paano nga ba sya napadpad sa The Voice Kids bilang kahalili ni lea Salonga habang may tinatapos ‘tong play sa Broadway, hindi na nya maalala. Ang tanging naalala lang niya ay ang excitement na idinulot ng balitang iyon sa kanilang bunso na suking suki panonood ng The Voice sa cable TV.
‘Tatay, you’re going to sit in that turning chair?’ Chandri exclaimed as they sat for breakfast one Saturday.

‘Yes Chandri.’ It was Kathryn who answered.

‘Then you’re going to press the button and the very cool sound will come and you’ll turn?’

‘Yes, baby.’ Sagot naman ni DJ.

‘It’s so cool!’ And Chandri clapped after. ‘When I grow up, sali din ako The Voice.’

‘You can’t sing.’ DJ Liit snapped at her as the former poured his favorite cereal to his bowl.

‘Yeah, like Nanay. You can’t sing.’ Danilo had to add fuel to the fire.

‘No!’ Iyak ni Chandri. ‘Nanay and I can sing! Diba, nanay, we can sing.’

‘Yes baby, later we will sing while taking a shower.’ Malambing na sabi ni Kathryn. ‘Pagsabihan mo ‘yang mga anak mo.’ She turned sharply to DJ.

And DJ nearly coughed out his coffee.
DJ shook his head as he mentally computes the number of Kids Bamboo and Sarah already recruited under their belt.

‘Tig- tatlo na sila. Ako, isa pa lang. Sabagay nga naman, ako yung pinaka- walang experience dito as a singer.’

Napatigil sya sa pagmumuni- muni nang bigla muling dumilim ang studio. May isa uling bata ang magpapamalas ng kanyang galing. Pamilyar sa tenga ni DJ ang intro ng kakantahin nito. And before the kid could finish her first line, DJ had already pressed his button followed by Bamboo and then Sarah.

‘Hoy tumalikod kayo uli! Akin ‘to!’ Biro nya sa dalawang coach na kasama.
‘How long will I love you,
As long as stars are above you,
And longer if I may…’
The little girl ended the song flawlessly which made the three coaches stand up from their seats, cheering and clapping.

‘Hi babygirl, anong name mo?’ Tanong ni Sarah.

‘Kathryn po.’ The girl shyly answered.

‘Sabi ko sa inyo sa akin ‘yan e.’ Mayabang na sabi ni DJ sa mga kasama habang nakatayo pa rin.

‘How old are you, Kath?’

‘Nine po.’

‘Wag na tayong magpaligoy- ligoy pa. Sa akin ka na Kath! Mamahalin kita! Aalagaan kita.’ Panliligaw ni DJ sa bata. ‘Sa Team DJ, may forever.’

‘Pero Kathryn, wag agad agad. Kase, Forever’s not enough.’ Sarah countered while wagging her index finger, a smug expression on her face.

Halos magiba ang studio sa tawanan ng mga tao. Sa buong araw na Blind Audition kase, iyon na yata ang pinaka- intense na agawan ng tatlong coaches. Hinihintay na lang nila ang banat ni Coach Bamboo.

‘Well, you know what Kathryn, I can’t promise you forever like these guys do. Pero i can assure you, if ever you’ll be in my team, I’ll give everything so that your talent, that massive talent you have will be stretched out in ways unimaginable.’

‘Eto babygirl ha…’ Si DJ muli ang humirit. ‘Nasan si Mommy mo?’

‘Oh, boy!’

‘Patay na!’

Sabay na sabi nina Sarah at Bamboo habang umiiling.

‘Yung nanay na ang liligawan!’ Nagkakatawanan na lamang ang dalawa.

Kathryn pointed to the audience and a woman, must be in her 30’s waved a hand. All smiles.

‘Ate, KathNiel fan ka?’ Panimulang tanong ni DJ.

‘PATAY NA TALAGAAAAAA!!!!!!’ Sigaw ni Sarah.

And everybody in the studio was holding their breath as they wait for the answer. DJ looked crestfallen when kathryn’s mom shook his head.

Bamboo had to raise his arms in victory.

‘Kathryn fan po.’ She said but they weren’t able to catch it.

‘Ha?!’ DJ asked again. ‘Solid Kath?’ He confirms.

And she nodded.

‘Ayaw mo sa akin ate?’ Natatawa na lamang si DJ.

‘Hindi naman sa ganun! Mahal din kita kasi mahal mo si Kath!’

DJ had to do lipreading as the lady spoke.

‘Wait lang ate ha, wag kang aalis dyan. Puntahan kita, mag- usap tayo.’

Frenzy screaming ensued as DJ made his way to the audience.

‘Mahal din naman kita kase mahal mo si Kath.’ Sabi nito matapos itapat ni DJ ang mic dito.

‘Ganito na lang ate, ano ang pwede kong gawin para masigurado kong sa akin mapupunta si Kathryn mo?’

‘Hindi ko alam!’ Natatawang sabi na lang nito.

‘Wait, wait.’ Hawakan mo ‘to.

Iniabot ni DJ ang mic sa ina ng batang si Kathryn bago niya dinukot sa kanyang bulsa ang cellphone na nagv- vibrate.

‘Hello?’ Sagot nito. ‘Ang perfect ng tawag mo Bal!’ And DJ was all smiles as the audience sreamed. ‘Wait lang, may ipapakausap ako sa’yo.’

Kinuhang muli ni DJ ang mic mula sa pinag-abutan before he held out his phone to her.

‘Hello?’ Kathryn’s mom answered, her voice shaking.

Ilang sandali pa ay umiiyak na ito.
*********

‘Madaya ka Daniel! Humanda ka sa susunod na mga araw!’ Banta ni Sarah matapos ang taping nila.

‘Immense talent, that last kid has. Congrats, Pare!’ Bamboo shook his hand and gave him a hug.

‘Group hug!’ At nakisali na rin si Sarah.

‘Ako din, pa- hug!’

Sabi naman ng kapapasok pa lamang na si Kathryn.

DJ pulled her by himself and whispered.

‘Ikaw talaga ang lucky charm ko.’

*********

***AUTHOR’S NOTE***

Yes.
I usually imagine DJ playing the drums while singing Gnarls Barkley’s Crazy. (Pinaypayan ang sarili.)

Les Fordes

img_6764-1TITLE: LES FORDES
GENRE: Fluff
KrisTV guesting where the couple talked about French food, their three kids, their future plans, kung gaano na sila kayaman at ilang babies talaga ang gustong i-aim ng isang Daniel Padilla.

KRISTV TITLECARD

*Restaurant façade*

*Doors being held open by smiling personnel*

*Video footage of various food and restaurant interior*

***Kris Aquino Voice- Over starts.

‘Situated in the heart of Makati is a fine dining restaurant which showcases French cuisine with a twist. Eto ang ‘Les Fordes’ na pagmamay- ari ng mag- asawang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo- Ford. Oo sila nga ang tinaguriang Teen King and Queen of Philipine Entertainment come 6 years ago. Wala man sila sa limelight ngayon, ibang career naman ang ginagampanan nila as parents sa kanilang tatlong kids na sina Danilo, DJ II and Chandrika Kendra. Bukod dito, kilala na rin ang mag- asawa bilang mga young entrepreneurs dahil sa kabi- kabilang business na pagmamay- ari nila.’

***Voice- Over ends.

‘Hi!’ Kris greeted in her usual jovial tone.

‘Hi Ninang!’ Bati rin naman ni Kathryn.

Kasalukuyan silang nakaupo sa harap ng isang table which was laden out with different kinds of dishes.

‘Si Deej?’

‘Nasa kitchen po.’

‘Ay sya talaga yung nagluluto?’

‘Hindi everyday Ninang. Pag hindi sya busy, pag wala syang pasok, ganyan, pumupunta sya dito tapos sya ang nagluluto.’

‘O Darla, si DJ ang nagluto nitong mga ‘to. Ubusin mo ha?’ And Kris finished it with a laugh.

Kinuha ni Kris ang nakatuping table napkin sa ibabaw ng mesa at inihatag iyon sa kanyang kandungan.

‘What’s this?’ Tanong nito habang nakaturo sa isang plato.

‘Yan? Souffle Au Fromage Ninang. Tapos this one is Coquille Saint- Jacques. And then the one right there is Gougeres. Bale yan yung mga pinrepare namin for you na appetizers. Pero marami pang iba kaso, yan lang yung ni- request mo. Haha.’

‘E kasi nung nakita ko yung menu, teka…’ Kris laughed. ‘Bakit natatawa ka dyan Darla? Ha?’

‘Tina- try ko kasi bigkasin yung mga pangalan Madame! Ang galing mag- French talk ni Kath!’ Darla answered from the sidelines.

‘Inaaral yan Darla. Pag talaga culinary, pati dila pinapalambot. Ok. So going back, eto yung mga ni- request ko kasi mas na- curious ako sa kanila. At tsaka diba, hindi lang normal na French food yung sine-serve nyo? Sabi nga, French cuisine with a twist. So ano yung twist?’

‘Uhm, bale Ninang yung twist is we’re Filipinizing the French dishes. Kumbaga, we’re adding a Filipino touch dun sa mga food. Like, for example yang Saint- Jacques, if yung traditional French recipe yung iffollow mo, Scallops sya sautéed in different kinds of spices. So ginawa namin syang Flilipino, we used Talaba.’

Tatango tango lamang si Kris habang tinitikman ang mga nakahain na pagkain.

‘Ay ang sarap. Winner.’ And she did a clap.

Dumaan pa ang ilang sandali na ipinapaliwanag ni Kath kay Kris ang mga inilalabas na pagkain nang dumating na si DJ na dala dala ang isang tray na may malaking bowl.

‘Oh, Hi Deej! Upo ka dyan sa tabi ni Kath.’

‘Hello po.’ Bati nito matapos ibaba ang bowl sa mesa.

‘Ano yang dala mo?’

‘Sinigang Boullabaise, Ninang.’ DJ answered, lifting up the cover of the serving bowl. ‘Eto yung isa sa mga bestseller namin dito.’

‘Really? Patikim nga. Darla, gusto mo? Later ka na lang ha? Hahaha…’

Kinuha ni Kathryn ang serving spoon at ipinagsandok ang kanilang Ninang sa kasal.

‘Ay, wow. Ang sarap..’ She commented with too much gusto. ‘Are you going to teach us how to cook this, DJ?’

‘Yes po Ninang. Mamaya.’

‘Ang sarap nya talaga. This bowl costs how much? Kath?’

‘P385.00 po. Good for 2 people na sya.’

‘Tsaka maganda dyan Tita, unli- soup yang Sinigang Boullabaise namin. Diba? French Restaurant tapos unli sabaw?’ DJ said which made the crew laugh.

‘Practical naman. Tsaka masarap sya talaga guys. Super.’ Kris continued, spooning the soup, slurping it after. ‘Ay Deej, may question ako. Yang pag- aral mo ng culinary, choice mo yan? Or binuyo ka lang ni Kath? Kasi diba, parang hindi sanay ang mga tao since you’re a Padilla. Sanay kami na makita ang isang Padilla as an artista, an action star, ganyan. Tapos ikaw biglang ‘Magche- chef ako!’ Bongga!’

‘Tapos na tayo sa ganyang phase Ninang. Yung sa akin naman, siguro may napatunayan na ako as an artista. So etong mga luto luto ko talaga ngayon e talaga namang gusto ko. Nae- enjoy ko naman sya. Tsaka ako lang talaga ang nakaisip. Ayoko kasi talagang mag-aral ng.. Mag- aral ng yung mga technical terms. Sumasakit talaga ulo ko. Katulad ngayon, nakikita ko pa lang yung thesis ni Kath nakakalat sa room namin, parang gusto ko sunugin!’ At sinundan ni Daniel ang sinabi sa pamamagitan ng isang halakhak. Siniko pa niya ang asawa na waring inaasar ito.

Ginantihan naman sya ni Kathryn ng irap.

‘Yung mga kids, Kath, asan sila ngayon?’

‘Si Danilo po, nasa school.’ Sagot nito as she checked her wristwatch. ‘Pero malapit na rin mag 3PM so malapit na sya lumabas. Si DJ Liit naman, nasa school din pero nakauwi na siguro sya by this time. Si Chandri naman, hinabilin muna namin.’

‘Hindi pareho ng school yung dalawang boys?’

Umiling si Kathryn.

‘Why?’

‘Si Danilo kasi, nasa normal school sya pero si DJ Liit kasi, hindi pa sya pwede dun. Medyo nahihirapan syang maka- cope sa ginagawa sa normal na school. Hindi naman na secret diba na I gave birth to him prematurely. So yun yung naging problem. Medyo may difficulty sya na.. uhm.. paano ba?’ She looked sideways, as if asking her husband for help.

‘Sabi nung child psychologist kasi na nalapitan namin, medyo hindi kaparehas yung learning capabilities ni Danilo with other kids na ka- age nya. Medyo behind sya ng konti lang naman. Pero pwede pang humabol as long as yun nga, nae- enroll sya sa mga programs na appropriate dun sa kaya pa lamang ng utak nya.’ Paliwanag ni Daniel. Halatang ingat na ingat sya sa pagpili ng mga salitang gagamitin.

‘Pero wala namang abnormalities?’

‘Wala naman po. Yun nga pinapa- thank you namin kasi kung ano, pwede pa rin syang mag- artista kasi pogi pa rin sya.’ Biro ni DJ.

Kath had to elbow him on his ribs.

‘Diba Ninang? Si Tom Cruise at Harry Potter, diba ano ba yung ano nila?’

‘Dyslexia. They tend to jumble words sa brain nila.’ Kris said. ‘Wait, ipatanggal muna natin ‘tong…’ Tumawag si Kath ng isang crew para ipakuha ang mga pagkain sa ibabaw ng table.’Ipalipat na lang muna natin dun sa kabilang table, kakain si Darla.’ Sumunod naman ang crew at inilagay ang mga kinuhang bandehado ng pagkain 2 tables away from them. ‘O yan Darla, upo ka na. Alam ko, kanina mo pa hinihintay ‘yan. Chi-chika muna kami dito.’

‘Yun nga Ninang diba? May dyslexia sina Tom Cruise at Harry Potter pero pogi pa rin naman sila.’

Kath just rolled her eyes yet again.

‘Iniirapan ka ni Kath, DJ.’

‘Ang stupid kasi.’ Kath murmured under her breath. Kris caught what she just said at napahalakhak sya dahil dito. Kinabig naman ni DJ si Kath papalapit sa kanya.

‘Why French cuisine?’

Nagtinginan muna ang mag- asawa, waring nagtatanungan kung sino ba ang sasagot. HInayaan na lamang ni DJ ang misis in the end.

‘Kasi po nung nag-travel kami sa France, yung second time namin, sobrang na- in love kami sa French food.’

‘Yung travel na ‘yan, ‘yan ba yung second honeymoon nyo?’

‘Yes Ninang.’

‘Ilang days kayo dun?’

DJ looked up as he started to recall everything.

‘Matagal. Kasi nag- London pa kami after. Tapos Amsterdam. Pero pinakamatagal kami sa France. Mga 10 days ata. Halos isang buwan din kami nawala nun.’ He recollected. ‘Pagbalik namin, di na kami kilala ng mga bata.’

‘Ayaw magpabuhat sa akin ni Chandri pag- uwi namin. Hindi namin talaga alam kung ano gagawin namin kasi pag hinahawakan namin sya, umiiyak talaga sya.’

‘Mga ilang months ba sya when you left?’

’10 months Ninang.’

Pumasok ang isang crew dala ang tray na may cups and saucers. Kasunod nito ang isa pa na may dala namang teapot.

‘French tea, Ninang. Pantanggal umay.’ Kath answered without even being asked.

‘Anong special sa kanya? I mean, what’s the twist?’

‘Ginger. Parang salabat. Meron din kaming sampaguita at gumamela. Pero this one, ginger and pandan sya. Very Filipino.’ Kath explained.

‘Sinong nag- develop ng mga ganito ganito? Kasi syempre, nung nasa France kayo, kumakain kayo, sinong nakaisip na ‘Ay eto, masarap kung ganito..’ Kris asked before she took a sip from the cup.

‘Kami parehas.’ DJ answered. ‘Nagno- notes kami dun pa lang. Tapos pag- uwi namin, dun na kami nag- experiment. Andami naming hits and misses.’

‘Ang lakas ng loob nyo kasi diba, aminin naman natin na pag French food, hindi talaga sya ganun kapatok sa masa. I mean, hindi sya yung everyday to go food ng mga Pilipino. You took a risk talaga. Tapos fusion pa yung ginawa nyo.’ Kris said in a matter-of-factly tone.

‘Nung una talaga, inisiip namin, papatok ba?’ Kath gushed. ‘Sabi ko kay DJ, isusugal namin yung savings namin dito. Pag nalugi, baka sa tulay na kami matulog.’

‘Para na syang si Mama, Ninang.’ DJ pointed out. ‘Yung mga tulog tulog dyan sa tulay. Si Mama kasi ang nagpauso nyan e.’

‘Your Mama is a strong woman. Ayaw mo ba na maging katulad nya ang asawa mo?’

‘Yung sa strength, magkaiba sila e.’ He said frankly. ‘Parehas silang strong pero may difference din. Basta wag lang nya manahin yung katawan ni Mama. Hahahaha!’

‘So annoying! Kamusta ang dad bod?’ Kath snaps at him.

‘Hoy DJ ha, ang sexy sexy ni Kath ngayon no. Pang- ilan ka sa katatapos pa lang na FHM Sexiest?’

Halatang nagdilim ang mukha ni DJ pagkatanong ni Kris.

‘8th po Ninang.’

‘Tumaas pa nga yan e. Badtrip.’DJ had to comment on the sidelines.

“Last year ba, pang- ilan?’

’12th po.’

‘So rumampa ka? Kasi diba yung Top 10, rumarampa dun sa event?’

Umiling si Kath.

‘Ayaw ni DJ?’ Kris confirms.

‘Syempre. Sino ba namang gusto na yung asawa nila e pinagpipiyestahan ng mga lalaki dun diba?’ Pakli ni DJ.

‘Tsaka, ako na rin po mismo talaga ang may ayaw.’

‘Di ka nila pinilit? Kasi alam ko, mapilit yung mga ganun e.’

‘Sinubukan nila. Pinakita pa nila yung isusuot ko, ganyan. Pero ayaw ko po kasi talaga. Sabi ko nga, iusod na lang yung rank. Kahit tanggalin na lang ako.’

‘Curious ako sa kung ano ang dapat na isusuot mo.’

Kris talks casually while DJ looked as if his ass is on fire with the topic.

‘Ano lang Ninang, leather pants. Tas leather tank top. Parang sexy catwoman. Tas black and gold na wings.’

‘Parang VS models?’

Kath nods in agreement.

‘Pero ang sexy mo talaga ngayon Kath. With three kids, hot momma ka talaga. Naggy-gym ka ba?’

Kath could feel her cheeks redden.

‘Pag may time lang po. Work out ko na rin yung pag- aalaga sa kids. Tapos nags- school pa ako. So super active talaga dapat. Di uso ang pagod.’ And she smiled.

‘Si DJ, nagwo-work out?’

‘Asa pa,’ Kath murmured under her breath which made Kris laugh out loud yet again.

‘Tamad kasi ako mag- work out Ninang. Tapos, diba, kasi nga chef ako, kelangan kong tikman ang mga niluluto ko. So, lumalaki talaga ako.’

‘Naku DJ, mag-ingat ka ha. Nasa genes nyo pa naman yata yung biglang…’ At iminustra ni Kris ang ibig sabihin.

‘Yun nga e. Sige Ninang, magwork- out na ko mamaya after nito.’

Kath rolled her eyes at him.

‘Ano ba?’ Nakabungisngis na sabi ni DJ bago hilahin papunta sa kanya ang asawa.

Napabungisngis rin si Kris sa nakikita.

‘Hindi nawawala yung kulit nyo ano? Parang yes, you’re parents already. May tatlo kayong kids pero yung the way you act, parang yung 16-17 year old na nakilala ko dati.’

‘Tnry namin dati magpaka-mature Ninang. Hindi naging maganda yung outcome.’ Sabi ni DJ. At bumalik na naman ang mga pangyayaring habambuhay na yata nya pagsisisihan.

Kath looked at him and smiled as if she’s giving him encouragement. As if she’s saying ‘Wag mo na isipin yon.’

‘Yung bahay nyo dati, dun pa rin kayo nakatira? Yung sa Tagaytay?’

‘Ay hindi na po. Ibinenta na namin yun. Medyo…’ Napakamot si DJ. Hindi nya kasi talaga gusto ang mga nangyari doon dati.

‘Medyo what, DJ?’

‘Medyo malaki po kasi para sa amin.’ Pagsagip ni Kathryn.

Napatango si Kris.

‘Then, saan kayo lumipat after non?’ Iniusod ni Kris ang mga tasa sa ibabaw ng mesa to give space sa mga inihahaing desserts ng dalawang crew.

‘Yay! That’s my favorite Ninang!’ Kath giggled.

‘Macarons?’

‘That one is Buko Pandan. Yung isa, Ube Keso.’

‘Ay cute ng colors! Let’s try.’ Dumampot ng isang macaron si Kris bago muli nagtanong. ‘San na kayo lumipat after nung Tagaytay?’

‘Sa Alabang Ninang!’ Tatawa tawang sagot ni DJ. ‘Magkapitbahay tayo diba?’

Napahalakhak na lamang bigla si Kris dahil sa naalala.

‘Ay oo nga pala!’ She takes a bite from the purple/yellow pastry and her eyes light up. ‘Ang sarap! Oh my God! Must try! Sinong nag-isip nito?’

‘Ako po.’ Nahihiyang sabi ni Kath. ‘Kasi sa aming dalawa, ako talaga yung mahilig sa desserts. So, ayun. Nung una, ako ang nagbe-bake. Tapos pinapamigay ko sa friends, ganyan. Hanggang sa sinama na namin dito.’

‘How much for this?’

‘6 pcs po is P285.00’

‘May iba pang flavors bukod dito sa dalawa?’

‘Meron pong pastillas flavor, yema flavor tsaka mango butterscotch.’

Ibinaba ni Kris ang unang kinagatan at dumampot muli ng isa.

‘Anong flavor ‘to?’ She asked.

‘Yema ‘yan Ninang.’ Sagot ni DJ.

‘Ay, ang sarap! Ang sarap sarap. Super winner ‘to.’ Kris commented before taking another bite. ‘Wait, so diba after Alabang, lumipat uli kayo? Bakit kayo lumipat? Magulo ang neighbors?’ She giggled.

Napatawa naman ang mag-asawa.

‘Nag- Forbes kami Ninang. Lumipat kami kasi super layo sa school ni Danilo. Nahihirapan sya. So sabi namin, kesa naman sya yung ilipat namin ng school, kami na lang yung lumapit. Baka kasi mahirapan sya sa pag-aadapt kaya yun.’ Sagot ni Kath.

‘Ngayon, dun na kayo?’

Umiling si DJ.

‘Andun kami ngayon sa Corinthian Gardens. Para malapit na kami kela Mama tsaka kela Mama Min.’ Sagot nito. ‘Malapit na rin naman sa school nina Danilo at DJ Liit so, ok na rin.’

‘Tingin nyo hindi na kayo lilipat from there?’

‘Mukhang hindi na po muna. Gusto rin namin kasi yung ambience nung village. Tahimik lang. Tsaka super secured.’ Kwento ni Kathryn.

‘Bukod dito sa restaurant nyo, ano- ano pa yung mga business na naipundar nyo? Is there a possibility pa na bumalik sa pag-aartista?’

Sabay na umiling ang mag-asawa. Naaliw naman si Kris sa nakita.

‘Ayaw na talaga?’

‘Ayaw na po.’ Kath started. Sabi ko nga dati kay DJ, akala ko hindi ko makikita ang happiness outside showbiz. Nung nagpakasal kami, dun na talaga nagsimula yung different form ng happiness na naranasan ko. Super saya. Tapos nadagdag si Danilo, si DJ Liit, si Chandri. Iba talaga yung happiness Ninang. Di ko maipaliwanag.’

‘Magulo ang showbiz Nang e.’ Sundot naman ni DJ. ‘Aksidente rin naman yung pagkapasok ko as artista. So, parang wala din naman ako masyadong nami-miss nung nag-stop na kami. Parati pa rin naman akong puyat. So, pareho pa din.’

‘Tsaka okay na rin kami sa investments namin Ninang Kris. Eto, tapos may isa pa kaming restaurant na io-open sa QC.’

‘Ganito din?’

‘No po. Different naman sya.’

‘At meron kayong mga branches ng ano diba?’

‘KFC! Yes!’ Tila nabigla si Kath. ‘Oh my gosh! Sorry!’

‘Ok lang yan Kath. O, KFC.. Alam nyo na ha?Hahaha! So, ilan na yung franchise nyo ng KFC?’

Tumingin paitaas si DJ na waring nagbibilang sa kanyang isip.

‘3 dito sa NCR, 1 sa Cebu, tsaka 1 sa Tacloban. So 5.’ Sagot ni DJ.

‘Tapos, yung resort and spa nyo sa Nueva Ecija. I was there the other week. Super relaxing. Minsan nyo lang ba bisitahin yon?’

‘Usually kasi, si Papa ang nandun.’ Kath said. ‘Sya yung nagma- manage talaga.’

‘And you have your own clothing line na rin Kath! My gosh! Napakarami na agad. In so short span of time, ganun na karami ang investment nyo?’ Tila bilib na bilib si Kris.

‘Yung clothing line, 2 months pa lang naman sya. Kakalabas pa lang ng pera. Di ko pa sure kung mababawi agad. Pero sana. And also Ninang, may Nail Spa din ako. 3 branches na sila. Hanggang kaya, ipu-push!’

‘Lumalaki ang pamilya e.’ Tila pilyong sundot ni DJ.

‘After 3 kids, balak pang sundan?’ Kris asked casually.

Marahas ang iling ni Kath.

‘Ayaw na muna.’ Namumula ang pisngi na sabi nya.

‘Ako gusto ko Nang, humabol pa ng dalawa. Gusto ko talaga, 5-6 kids. Para masaya.’

Napasimangot si Kathryn. Ang topic na yun kasi ang nagiging dahilan ng away nila the past few weeks. Pinagbibigyan naman nya ang asawa sa pangangalabit nito pero kelangan talagang maingat na maingat sila. Pero wala kasi sa bokabularyo ni Daniel ang ingat ingat.

‘5-6 kids daw Kath, kaya?’

Napainom na lamang ng water si Kath, her eyes wide.

************

Pls. Don’t expect continuity with every chapter as entries here will be posted in random.

Quote

MALIGAYANG PAGDATING!

Hi everyone! Yes, this is NishiYan of Wattpad. And yes I am the one who writes fanfiction of our beloved couple, KathNiel. After seeking and seeking for another shelter away from WP, I finally decided to come up with a blog.

Here, you’ll find my works and will update them regularly. Also, I’ll share my thoughts about random ‘stuff’ here. I’ll try my very best not to rant! 😂 And most importantly, I will do giveaways here. I might do it weekly or monthly or twice a month. Who knows? As of the moment, giveaways will only be restricted for Philippine residents. But, I might try to open it to other Asian residents. After all, KathNiel is conquering Asia one country at a time, right?

Thank you everyone! And I hope that you will still support me.