Tiffany

So this is the first of the two ficlets for my first giveaway.

***********



‘Let me grow.’ Naalala ko na naman nang sabihin nya sa akin ‘yun habang nanonood ako ng TV ngayon.
Awards season na naman sa Hollywood. Katatapos lang ng Golden Globe. Naka Live telecast naman sa HBO ang Oscars. Nasa bahay lang ako ngayon. Si Mama, ipina-on sa akin yung TV.
‘Ay ayan na si Kathryn!’ Tili ni Mama nang nakita nyang naglalakad sa red carpet ang babaeng pinakamamahal ko. Ilang award giving ceremonies na ang na-attendan nya at mukhang pro na pro na sya. Alam nya kung kelan iikot para sa mga photographers. Kayang kaya na nyang makasabay sa ilaw ng mga camera na nakatutok sa kanya.

Kapag nakikita ko sya, bumabalik na naman lahat ng alaala. Walang pakundangan kung masakit o masaya. Aaminin ko naman na possessive talaga akong tao. At kung maaari, ayaw kong nahihirapan sya. Nagagalit ako sa ilang mga bagay na ginagawa nya. Halimbawa, yung Shape of You na sayaw sayaw nya. Okay lang naman sana. Kung nag-leggings sya. E kaso mo Pedro, ang iksi na nga ng shorts nya, puro giling at bukaka pa ang mga steps. Sino ba namang matinong boyfriend ang hindi maiinis non? At parang natural pa ang pang-iinis sa akin ng universe nang may nag-upload neto. Pucha. Nag-viral pa. Tapos yung dalawang lalaking nadaanan ko sa isang hallway sa ABS, di magkaari sa pagtiwarik ng phone nung dumako na sa lyrics ng ‘Your love was handmade.’ Akala nila siguro may masisilip sila. Pero gusto ko pa rin silang kotongan.

Nag-away kami non. Yung away na umabot sa sigawan. Yung tipong kulang na lang katukin kami ni Tita Min sa kwarto nya. Pagkatapos ng away, hindi muna kami nagbati. Sabi ko sa sarili ko, mas mainam. Ang sarap siguro ng make up sex pagkatapos. Pero dumaan ang isang linggo. Tigang na tigang na ako pero di pa rin nya ako pinansin. Umabot pa sa isa’t kalahati. Akala ko ikakamatay ko na. Hindi na ako nakapagpigil. Ako na, mag-sosorry na nga.

Wala ngang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Nailabas niya lahat ng hinaing nya sa akin at sa relasyon namin. Sinabi nyang hinay hinayan ko lang dahil masyado na syang nasasakal. At sana daw, sundin ko rin naman sya dahil sinusunod naman daw nya ako. Syempre, oo lang si ako. After non, blentungan na. Joke. Katulad ng una kong na-predict, masarap nga ang make up sex pagkatapos ng isang matinding away.
Pagkatapos naming gawin ang La Luna Sangre, pinag-audition sya ni Ms. Lulu para sa Darna. Nagkaroon kasi ng clamor sa kanya as Darna matapos mapanood nila kung gaano nag- pay off yung martial arts training nya para sa La Luna. Tapos ang lupit pa nung fight scene na magkasama sila ni Miss Angel. Audition pa lang, pero inaway ko na sya. Sabi ko: ‘Nakikita mo ba ang suot ni Darna? Bra at panty tapos sisipa sipa ka.’ Pero nagpumilit sya. Kahit anong tigas ng tutol ko, pumunta pa rin sya sa audition. Sabi kasi nya hindi naman daw sure na sya ang makukuha. Ako naman ang nainis noon. Sinusunod ko naman na ang request nya na kapag ayaw nyang gawin ko ang isang bagay, hindi ko na dapat talaga gawin. Pero bakit sya naman ang nakikipagmatigasan?

Gumawa pa sya ng indie film kasama si Boss Jericho na halos pag walk out an ko na nung nag-screen sa Cinemalaya. Hindi naman kasi nya sinabing may mga eksenang mapangahas sya doon. Na-busy kasi ako dun sa ginagawa kong pelikula with Ma’am Sarah kaya hindi ako nakapagbantay sa shoot nila noon. Ang sabi lang nya, estudyante syang na-obsess sa professor nya. Wala syang sinabing may mga halikan at hawakan sa dilim pala. Nung inihatid ko sya pauwi pagkatapos nung screening, nag-away na naman kami.

Dagundong sa loob ng kotse ko lahat ng sigaw at panunumbat ko sa kanya tapos puro echo naman ng hikbi at iyak nya habang tinatanggap nya lahat ng sinasabi ko dahil aminado naman syang kasalanan din nya.

I just wanted to prove myself.‘ Pahid nya sa mata nya habang nakatungo. ‘Gusto ko lang patunayan sa lahat na kaya ko.’

May napatunayan naman nga sya. Maraming bansa ang napuntahan nya dahil sa mga film festival na naabot ng pelikulang ‘yon. Naging headliner sya sa Cannes dahil sa ganda ng kutis at kulay nya. Bawat rampa nya sa red carpet na suot ang gawa ni Cinco, pinupuri at nalalathala sa mga fashion sites at online fashion magazines. Nanalo din yung pelikula. Ano ngang tawag dun sa award? Palm d.. Basta. French.

Napili sya ni Matti mag-Darna. Nasa kanya na daw kasi lahat. Naiinis ako dahil ako lang dapat ang nagsasabi non tungkol sa kanya. Binigyan ko na ng choice si Kathryn noon. Pinapili ko sya, ako ba o si Darna. Pag iniisip ko, natatangahan na naman ako sa sarili ko. Pero pinili nya pa rin ako. Sabi nya, hindi naman na daw nya kailangang magpaka-action star para may mapatunayan.

Nagpasalamat na lang ako sa halikan at hawakan nila ni Boss Echo sa dilim dahil hindi na magba-bra at panty ang girlfriend ko sa pinilakang tabing.

Naging mapili sya sa projects noon. Hindi sya tumanggap ng mga projects na ang katambal nya ay mga lalaking ka-age lang namin. Natuwa naman ako, hindi ko na sya kailangang pagbawalan. Dumating sa point na naka-dalawang pelikula na ako pero sya, dalawang MMK pa lang. Hanggang sa umugong ang usapan na may audition para sa isang Hollywood movie at kailangan ng bidang babae na Asian. Sa unang pagkakataon, ako na ang nagtulak sa kanya para mag-audition.

Sya ang nakakuha ng part. Sobrang saya ko nun para sa kanya. Sobrang proud kaya napa-post pa ako sa IG noon. Sakto pa sa kanya yung title ng project. Madame Butterfly. Nung ginoogle ko, dun pala galing yung Miss Saigon. Wala namang mapangahas na eksena don sabi ni Mama. Bukod sa scene na naka-panty at naka-tshirt sya, mas maigi na yun kesa sa costume ni Darna.

Lumipad na sya papuntang Vietnam para mag-shoot. Ang saya pa nga ng mga KathNiel Vietnamese dahil abot kamay na naman nila si Kathryn. Pag may freetime ako, dinadalaw ko sya. Ginagawa kong Cebu ang Hanoi pag gusto ko. Wala e, mahal na mahal ko kasi.

Nung natapos ang pelikula nya, para akong tatay na nakapagpa-graduate sa College ng bunso. Sobrang proud ko para sa kanya. Yung growth na matagal nyang hiningi at inasam, nakuha na nya talaga. Ang daming agents na pinag-audition sya sa mga projects kaya minabuti nyang mag-stay muna sa LA. Bumili kami ng maliit na apartment doon para hindi na sya pabalik-balik. Natapos na rin naman kasi ang kontrata nya dito at pinag-iisipan pa nya kung pipirma uli sya. Paminsan- minsan din naman, binibisita ko rin sya pag nagustuhan ko.

‘Pano kaya kung mag-quit na lang din ako?’

Tanong ko yun sa kanya isang hapon.

Kakauwi lamang nya galing sa film class nya.

Kakatapos ko lang din magluto ng steak dinner namin.

‘Ha?’

‘Hindi ko rin naman kasi gusto talaga mag-artista to begin with. Naka-settle naman na sina Mama, covered na yung gagastusin nina Magui, Lelay at Jordan hanggang College. Dito na lang din ako.’

‘Anong gagawin mo dito? Baka mainip ka.’

‘Eto, magluluto ng kakainin natin, maglilinis ng bahay, ihahatid sundo ka sa mga audition mo.’

‘Baka naman nabibigla ka lang, Love.’

May nabibigla bang may singsing na nga akong nabili sa Tiffany na nasa drawer sa kwarto natin? Humahanap lang ako ng tyempo. Nag-iisip na nga ako kung kailan ako mag-aayang magpakasal. Mamaya ba habang kumakain kami? Habang naliligo sya? Pagkagising namin sa umaga? Mas pinili ko yung habang naliligo sya, para sexy.

Pagkatapos naming mag-dinner, naupo muna kami sa mumunti naming living room. Ini-on ang TV saka ako humiga sa lap nya. Kinuha ko ang kamay nya saka hinalik-halikan ito. Gustong gusto ko nang mag-propose. Pero hinihintay ko pa rin yung maliligo sya. Nakarating kung saan saan ang pag-uusap namin. Sa palabas sa TV, sa mga classmates nya sa klase nya, sa medyo napaalat kong mashed potato, kung gaano kasarap humalik si Andrew Garfield na talaga namang kinainisan ko, hanggang sa bagong haircut ni Jordan, sa manliligaw ni Magui, sa pagpapayat ni Mama pati sa bagong jowa ni Vice Ganda. Pinag-usapan namin kung saan magandang magpakasal na hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa namin kung sa simbahan ba o sa beach, sa kung ilan ang gusto nyang maging anak at kung pwede na ba naming simulan ang pagbubuo mamaya na hinindian nya (at ikinabwisit ko). Maya maya, tumayo na sya at nagpaalam na maliligo. Okay na. The moment that I’ve been waiting for.

Sinundan ko sya sa kwarto namin. Dumirecho sya sa banyo, inihanda ang bath tub at ang mga bagong bili nyang Lush products. Lumabas uli sya habang nakaupo ako sa kama at napadako ang tingin ko sa drawer kung saan andun ang singsing na binili ko. Walang kahiya hiya syang naghubad sa harap ko. Siguro ganito ang nagagawa ng Hollywood sa isang tao, wala na syang awkwardness. Lahat ng kilos nya, sigurado.

Ganda mo.‘ Ngiti ko sa kanya, nag-ingat pa ako at baka kasi tumulo ang laway ko.

‘Talaga ba?’

Sus, pa-humble. 



Tumalikod na sya sa akin, nakakapanigas ang pagsayaw ng pwet nya habang naglalakad sya papasok ng banyo. Ilang sandali, nang narinig ko nang sumakay na sya sa bath tub, agad ko nang dinamba ang drawer sa tabi ng kama. Kinuha ang singsing, inayos ang sarili saka sinundan sya.

‘Mahal.’ Tawag ko.

Andun ang pagpipigil kong samahan sya sa paliligo dahil sobrang ganda nya habang nakataas ang buhok at naglalaro ng mga mababangong bula.

‘Akala ko ba, mamaya ka na maliligo?’ Tanong nya habang nang-iimbita ang kanyang leeg. ‘Halika na dito mahal, maligamgam pa yung tubig.’

Napangisi ako. Gustong gusto kong samahan sya. Pero iba ang ginawa ko.

‘Bali.’ Tila naiiyak na nyang sabi nang nakita na nya akong lumuhod.

‘Nakakainis, nag-eexpect ka na ba?’ Tanong ko rin habang pinapahid ang mata ko.

Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

‘Pakasal na tayo.’ Sabi ko habang nakalahad sa kanya ang singsing na nasa mumunting kahon.

Hindi yon tanong kundi isang imbitasyon.

‘Bali ko.’

‘Gusto ko na ng mga anak. Gusto ko dalawa agad.’ Kinuha ko ang kamay nya at sinimulang isuot ang singsing sa palasingsingan nya. ‘Ngayong natupad na ang pangarap mo, sana tuparin mo naman ang sa akin. You’ve grown, sana tulungan mo naman akong magpalaki ng isang pamilya.’

Hindi na sya nakapagsalita. Inakala kong tatango sya pero wala syang ginawa. Gulong gulo ako.

‘Ayaw mo ba?’ Tanong ko.

‘Hindi naman sa…’

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

‘Siyam na taon? Kathryn, siyam na taon? Naglokohan tayo ng siyam na taon?’

‘Hindi ko kasi alam kung paano…’

‘Kathryn, 19 ka pa lang noon, gustong gusto na kitang pakasalan at magka-anak sayo. Pero anong sabi mo, diba sabi mo maghintay tayo? So ilang taon pa ba? Kath, limang taon na akong naghihintay. Long overdue na ‘to.’

‘Hindi pa pwede Daniel. Hindi pa pwede. I’m not yet ready.’

At iyon na nga ang iling nya. Ang sampal ng realidad sa akin.

‘May lote at plano na ng bahay, hindi ka pa rin ready?’ Hindi ko mapigilang itanong.

‘Bali.’ Iyak nya bago tanggalin ang singsing na isinuot ko sa daliri nya.

‘Don’t Bali me.’ Galit ako. Nasaktan ako.

Lumabas ako ng banyo, kinuha ang maleta sa ilalim ng kama at nagsimulang ilagay dito ang mga damit ko na iniayos nya nung isang linggong dumating ako.

Hindi man lang nya ako pinigilan.

Isang buwan matapos ko syang layasan at bumalik ako dito sa Pilipinas, nabalitaan kong nominated sya at ang pelikula nya sa Oscars. Aba malupit talaga. Mas lalong di ko na sya maaabot. Hindi ko pa rin masabi kay Mama at sa mga kapatid kong hindi nya tinanggap ang proposal ko. Gulong gulo pa rin ako. Kapag ba hindi tinanggap ang alok mo ng pagpapakasal, ibig sabihin ba non, break na kayo?
‘Ang ganda naman ni Kathryn natin!’ 



Ibinalik ako sa kasalukuyan ng boses ni Mama. Napatingin uli ako sa TV. Ini-interview na si Kathryn nung isang host sa Red Carpet. Napukaw ang mata ko ng kumikinang na bato sa kaliwang kamay nya.

At naiiyak akong inabot ang cellphone ko.

***********
The original request is a story about Regret but my heart can’t just take it. Haha